Tungkol sa VoiceFive
VoiceFive, isang kumpanya ng Comscore, Inc., ay isang nangungunang kumpanya sa pandaigdig na pananaliksik sa merkado na nag-aaral at nag-uulat sa mga kagawian at pag-uugali sa Internet. Ang VoiceFive ay regular na naaatasan na magsagawa ng pananaliksik sa maraming paksa ng alalahanin sa mga namumuno sa industriya sa iba-ibang larangan, kabilang ang paglalakbay, mga parmasiyotiko, at publishing.

Isinasagawa ng VoiceFive ang pananaliksik nito sa pamamagitan ng sari-saring pamamaraan:

  • Mga Online na Survey : Iniimbitahan ang mga kalahok na ibahagi ang kanilang mga opinyon sa amin sa sari-saring mga paksa

  • Mga Komunidad ng Pribadong Pananaliksik sa Merkado : Ang mga piling grupo ay hinihilingan na sumali sa mga espesyal na panel na ito at mag-install ng software sa pananaliksik sa kanilang mga computer na pinapahintulutan na masubaybayan ang kanilang kaugalian sa online na pag-browse at pamimili (kabilang ang nilalaman ng lahat ng web page)

  • Pinoprotektahan namin ang pagka-anonimo at pagkapribado ng lahat ng aming kalahok sa pananaliksik, nang naaayon sa mga nangungunang regulasyon sa pagkapribado. Hindi nagbibigay ang VoiceFive ng impormasyong personal na magpapakilala (personally identifiable information (PII)) tungkol sa mga kalahok sa pananaliksik sa aming mga kliyente, at hindi kami nagpapadala – o tumutulong sa pagpapadala ng – mga mensahe sa pag-a-advertise sa mga kalahok sa survey.




    English | Español | Deutsch | 日本語 | Italiano | Português do Brasil | Français | Suomi | Norsk | Svenska | Nederlands | 简体中国 | 中國傳統 |